Nueva Ecija – Nagsagawa ng Crime Prevention Awareness Lecture ang Sto. Domingo PNP sa mga residente ng Brgy. Concepcion, Sto. Domingo, Nueva Ecija nito lamang Biyernes ika-27 ng Enero 2023.
Ang naturang pagtuturo ay pinangunahan ni Police Major Abraham Atencio, Chief of Police ng Sto. Domingo Municipal Police Station ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Umabot sa 30 na residente at barangay officials ang nakilahok sa pagbahagi ng mga batas patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness Campaign, Anti-Violence Against Women and their Children at Anti-Rape Law.
Patuloy ang Nueva Ecija PNP sa pagsasagawa ng pagbabahagi sa mga ipinatutupad na batas upang maiwasan ang kriminalidad, terorismo at inhursensiya.
Source: Sto Domingo Municiapl Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3