Wednesday, November 27, 2024

Php1.02M halaga ng shabu nakumpiska sa PNP-PDEA buy-bust; 2 HVI arestado

Butuan City – Tinatayang nasa Php1,020,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga ng Butuan PNP at PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang High Value Individual (HVI) nitong Huwebes, Enero 26, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Marco Archinue, City Director ng Butuan City Police Office, ang dalawang naaresto na sina alyas “Dodong”, 26, residente ng Purok 9, Bingkilan, Brgy. San Vicente, Butuan City; at alyas “Dan”, 31, residente ng Purok Repolyo, Brgy. Golden Ribbon, Butuan City.

Ayon kay PCol Archinue, bandang 2:50 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa dating naaresto na rin sa paglabag sa ilegal na droga si alyas “Dan” sa Purok-6, Brgy. Villa Kananga ng mga tauhan ng PDEA katuwang ang Butuan City Police Station-1.

Nakumpiska mula Kay alyas “Dan” ang limang pirasong heat-sealed transparent sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 50-gramo at may Standard Drug Price na Php340,000; isang gray na sling/belt bag; isang asul ng Android Huawei phone; isang black/orange na motorsiklong MIO at susi; isang pirasong Php1,000 bill na marked money; 17 pirasong Php1,000 bill bilang boodle money; at 15 pirasong Php100 bill.

Samantala, 10:28 ng gabi nang ihain naman ang Search Warrant sa Regional Priority Target na si alyas “Dodong” ng mga operatiba ng Butuan City Police Office-Drug Enforcement Unit, Butuan City Police Station-1 at PDEA Agusan del Norte.

Nakumpiska sa operasyon ang 23 pirasong heat-sealed transparent sachet na tumitimbang ng 100-gramo ng hinihinalang shabu at may halaga na Php680,000; isang asul na Penshoppe box; isang pink na Kojik box at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“The arrest of the suspects is the result of the consistent operation of Butuan Police together with PDEA 13 to eradicate the proliferation of illegal drugs in Butuan,” pahayag ni PCol Archinue.

Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles