Taguig City — Nakiisa ang National Capital Regional Police Office sa pagpupugay sa kagitingan ng ating mga elite troopers o ng mga SAF 44 na ginanap sa SAF Headquarters, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Enero 25, 2023.
Ang naturang pag-alala ay personal na dinaluhan ni Chief PNP, PGen Rodolfo Azurin Jr., kasama si Executive Secretary Lucas P Bersamin bilang Panauhing Pandangal at Tagapagsalita.
Ito ay taon-taong ginugunita upang alalahanin ang katapangan at kabayanihan ng Gallant SAF 44 sa pag-aalay ng kanilang buhay habang isinasagawa ang kanilang misyon walong taon na ang nakararaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Matatandaang idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Enero 25 ng bawat taon bilang Araw ng Pambansang Pag-alala para sa 44 na Special Action Force (SAF) troopers.
“Patuloy nating pararangalan ang kanilang alaala, sakripisyo, at dedikasyon sa paglilingkod. Lagi nating alalahanin na isa sila sa ating mga tunay na bayani, na nagbuwis ng kanilang buhay para sa mga Pilipino,” ani PGen Azurin.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos