Cebu City – Nadakip na ng mga awtoridad ang itinuturing na Top 6 Provincial Most Wanted Person sa Cebu sa kasong Attempted Murder sa joint operation ng mga tauhan ng Police Station 7 ng Cebu City Police Office (CCPO) at Regional Intelligence Unit 7 noong Martes, Enero 24, 2023.
Ayon kay Police Major Remon Jake Aguho, ang suspek na kinilalang si alyas “Ken”, 24, ay naaresto dakong 7:15 ng gabi sa F. Jaca St., Brgy. Inayawan, Cebu City.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa krimen na Attempted Murder na inisyu ni Hon. Grace M Veloso-Fernandez, Presiding Judge RTC Br. 19, 7th Judicial Region, Cebu City, nito lamang Enero 9, 2023.
Siniguro naman ni Police Major Aguho na kanila pang paiigtingin at pag-iibayuhin ang lahat ng kanilang kampanya sa lahat ng uri ng kriminalidad at maging sa mga personalidad na may pananagutan at patuloy na nagtatago sa kamay ng batas.