Bulacan – Tinatayang Php13,940,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Loma De Gato, Marilao, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-25 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Cesar Delos Reyes Pasiwen, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang suspek na si alyas “Marlon”, 44, residente ng Pangarap Village, Novaliches, Caloocan City.
Ayon kay PBGen Pasiwen, naaresto ang suspek bandang 11:20 ng gabi sa pinagsanib pwersa ng Marilao Station Drug Enforcement Unit ng Marilao Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police Provincial Office, Special Operation Unit 3 ng PNP Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency 3.
Nakumpiska sa suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang 2,050 gramo na nagkakahalaga ng Php13,940,000 at 67 pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Central Luzon PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga at buong suporta sa “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA Program ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Source: Police Regional Office 3
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3