Leyte – Tinatayang nasa Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki na isa sa mga nasa listahan ng High Value Individual Target sa isinagawang buy-bust operation ng PNP-PDEA 8 nito lamang Miyerkules, Enero 25, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Edwin Balles, Provincial Director ng Leyte PPO, ang suspek na si alyas “Herbert”, 38 anyos, at residente ng Bato, Leyte.
Ayon kay PCol Balles, bandang 1:00 ng madaling araw nang maaresto si alyas “Herbert” sa Brgy. Tabunok, Bato, Leyte ng mga operatiba ng Leyte PPO-Police Drug Enforcement Unit, 1st Leyte Provincial Mobile Force Company at Bato Municipal Police Station kasama ang PDEA 8 – Leyte Provincial Office, Regional Special Enforcement Team.
Narekober mula sa suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 50 gramo na may tinatayang market value na Php340,000.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga upang patuloy na makamit ang isang ligtas at mapayapang pamayanan.