Cagayan – Ginunita ng Valley Cops ang kabayanihan at katapangan ng SAF 44 sa pamamagitan ng isang seremonyang naganap sa SAF 44 Monument, Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nitong Enero 25, 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Brigadier General Percival A Rumbaoa, Regional Director ng Police Regional Office 2 at dinaluhan ni Police Major General Bernard M Banac, Director ng Directorate for Plans na nagsilbing panauhing pandangal sa programa.
Kasama ng mga naulilang pamilya ng mga bayaning miyembro ng 142nd Special Action Company, 14th Special Action Battalion ng PNP Special Action Force ay pinangunahan nina PMGen Banac at PBGen Rumbaoa ang naganap na Wreath-laying Ceremony.
Samantala, ipinaabot naman ni PMGen Banac ang mensahe ng Ama ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo Azurin Jr. kung saan sinabi nito na patuloy na ipagdiriwang ng PNP ang buhay at kabayanihan ng 44 na miyembro nitong ibinigay ang kanilang lahat upang magampanan ang kanilang tungkuling protektahan at pagsilbihan ang sambayanan.
Binigyang diin ni PMGen Banac na huwag sanang kalimutan ng mga Pilipino ang hindi matatawarang katapangan at pagmamahal sa bayan na ipinamalas ng SAF 44 sa nangyaring Mamasapano Clash walong taon na ang nakakaraan.
Source: PRO2 RPIO
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes