General Santos City – Ginunita ngayong araw ang kabayanihan at katapangan ng SAF 44, na miyembro ng PNP-Special Action Force na nagbuwis ng kanilang buhay para sa anti-terror raid sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015.
Kung saan, isang seremonya para sa kanilang kabayanihan ang isinagawa ng Police Regional Office 12 (PRO 12) at General Santos City Police Office sa Pabalinas Memorial Park, Camp Fermin G Lira Jr., ng nasabing lungsod.
Ang seremonya para sa Day of National Remembrance ng SAF 44 ay pinangunahan nina Police Major General Jon Arnaldo, The Director for Human Resource and Doctrine Development at si Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng PRO 12.
Kabilang sa naging bahagi ng seremonya ang wreath laying at pagbibigay ng 21- gun salute.
Matatandaan na noong Pebrero 2017 idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang January 25 bilang Day of National Remembrance para sa SAF 44.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo