Taguig City — Tuluyan nang nagbalik-loob sa gobyerno ang dalawampu’t anim (26) na miyembro ng NPA sa tulong ng National Capital Regional Police Office nito lamang Martes, Enero 24, 2023.
Ang naturang pagsuko ng mga dating NPA ay pormal na ginanap sa Hinirang Hall, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.
Dinaluhan ito ni NAPOLCOM Chairman at Secretary of the Interior and Local Government, Atty Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., at NCRPO Chief, PMGen Jonnel Estomo na nirepresenta ni PBGen Jose S Hidalgo, Jr., DRDA kasama ang iba pang miyembro ng Command Group, Regional Staff, District Director ng NEMSQ at lahat ng Chiefs of Police/Station Commanders kasama ang iba pang ahensya tulad ng NICA, DSWD, DOLE at TESDA.
Binawi ng mga sumukong rebelde ang kanilang suporta sa nasabing samahan at nanumpa ng katapatan sa gobyerno kasama ang pagpirma nila ng Oath of Allegiance. Sama-sama din nilang sinira ang mga watawat ng CPP/NPA/NDF.
Pagkatapos nito, ang mga sumuko ay binigyan ng food/grocery packs, health kits at cash assistance.
Sumailalim din sila sa seminar bilang isa sa mga kinakailangan sa pagproseso ng E-CLIP o ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program na ipinagkakaloob sa lahat ng miyembro ng CPP/NPA/NDF o “Militia ng Bayan” na nagpasyang bumalik sa gobyerno at mamuhay kasama ang kanilang mga pamilya.
Inispeksyon din ni Sec. Abalos ang temporary billeting area ng mga sumuko sa loob ng pasilidad ng Camp Bagong Diwa na binansagang “Peace and Prosperity Village” habang sumasailalim sa E-CLIP program. Ang nasabing pasilidad ay kayang tumanggap ng daan-daang rebeldeng sumuko.
Hinikayat naman ni Secretary Abalos SILG ang mga sumuko na kalimutan ang nakaraan dahil hindi na ito mababago. Sa halip, ang pinakamahalaga ay kunin ang mga aral ng nakaraan, matuto mula sa mga ito at sumulong para sa isang mas maliwanag at magandang kinabukasan.
“Napakahalaga ng buhay. Kung kayo nasasaktan, nasasaktan din ang military, nasasaktan din ang pulis. Bawat buhay na mawawala masakit sa bawat isa at hindi dapat mangyari yun. Malalabanan natin ito hindi sa armas kung hindi sa puso ng bawat isa, ang pakikiisa ng bawat Pilipino,” ani Sec. Abalos.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos