Oriental Mindoro – Inilunsad ang “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program ng mga Kapulisan ng PRO MIMAROPA sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang ika-24 ng Enero 2023.
Naging panauhing pandangal si Atty. Margarita N. Gutierrez, DILG Undersecretary for Plans, Public Affairs and Communication.
Nilahukan din ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, Deputy Chief for Administration, mga tauhan ng PRO MIMAROPA HQS, Oriental Mindoro PPO, RSUs MIMAROPA, mga partner agencies tulad ng DILG, PDEA, DSWD, DOLE, TESDA, DOH, LGU, mga iba’t ibang government agencies, Community Anti-Crime Group mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Oriental Mindoro, Advocacy Support Groups at Force Multipliers, government officials ng Oriental Mindoro, at KASIMBAYANAN Advisers/Community Spiritual Advisers/Life Coaches.
Ang nasabing aktibidad ay pinasundan ng pamamahagi ng food packs para sa mga PWUDs o ang Persons Who Used Drugs.
Ito ay proyekto ni Sec. Benjamin C. Abalos, Jr. bilang Secretary ng DILG na matulungan ang mga kabataan na malayo sa ilegal na droga at mas mapabuti ang buhay ng ating mga kabataan.
Layunin ng BIDA Program na mapigilan ang pagkalat ng bawal na gamot sa komunidad at masugpo ito hanggang sa pinakaugat ng problema.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus