Pampanga – Nagsagawa ng pinagtibay na pagsasanay ang Regional Mobile Force Battalion 3 sa Simulation Exercise sa Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga nito lamang Martes ika-24 ng Enero 2023.
Pinangunahan ito nina Police Lieutenant General Felipe Natividad, Commander ng Area Police Command ng Northern Luzon at Police Brigadier General Cesar Delos Reyes Pasiwen, Regional Director ng Police Regional Office 3.
Isinagawa ang simulation exercise sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Wilson Delos Santos, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 3 na kung saan ipinakita ang pagsasagawa sa Civil Disturbance Management, High Risk Stop Situation, Immediate Action Drill, Search and Rescue Operation, Close Quarter Battle, Obstacle Course at Field Stripping of Firearms.
Ang mga naturang pagsasanay ay naglalayong maging handa ang mga awtoridad sa anumang insidente o sakuna na kahaharapin at mas maging epektibo sa sinumpaang tungkulin na panatilihing ligtas ang lahat mula sa terorismo, insurhensiya at kriminalidad.
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3