Ozamiz City – Masigasig na nagsagawa ng Information Drive ang mga tauhan ng Ozamiz City PNP sa Ozamiz City Port, Brgy. Baybay, Triunfo, Ozamiz City bandang 9:09 ng umaga nito lamang Lunes, Enero 23, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Mary Chris Pangilinan, FJGAD/City Community Affairs and Development Section PNCO sa ilalim ng direktang superbisyon ni Police Major Dennis Tano, Officer-In-Charge ng Ozamiz City Police Station.
Nagkaroon ng Information Drive hinggil sa E.O. 70 o End Local Communist Armed Conflict at Anti-Terrorism Campaign sa limang Security Guards na nakatalaga sa naturang sea port.
Ang aktibidad ay naglalayon na mas palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.
Source: Ozamis City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz