Nueva Vizcaya – Nagbahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Solano Police Station sa isinagawang Anti-illegal Drug Campaign sa Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya nito lamang ika-23 ng Enero 2023.
Sa pangagasiwa ni Police Major Anthony Ayungo, Chief of Police kasama ang mga Barangay Officials ng Quezon kung saan nagkaroon ng talakayan alinsunod sa programang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) na aktibong nilahukan ng mga FTP at OJT students sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na maimulat ang kaisipan ng mamamayan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa masamang epekto na maidudulot sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang hanay ng Pambansang Pulisya ay magpapatuloy sa pagbibigay ng kaalaman sa komunidad patungkol sa ipinagbabawal na gamot lalo na sa kabataan upang sila ay maiwas sa paggamit nito na magiging sanhi ng pagkasira ng kanilang kinabukasan.
Source: Solano Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua