Zamboanga City – Arestado ang Top 4 Station Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng Zamboanga City PNP nito lamang Enero 22, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, City Director ng Zamboanga City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas “Jehad”, 21, walang asawa at residente ng Brgy. Cawit, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 10:49 ng umaga nang naaresto ang suspek sa Baypass Road, Brgy. Cawit, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 11 at 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, City Intelligence ng Zamboanga City Police Office sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9