Makati City – Tinatayang Php352,280 halaga ng mga ilegal na droga ang nasabat sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Makati City Police Station nito lamang Sabado, Enero 21, 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Talangka”, 22, at alyas “Balong”, 24.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang alas-8:00 ng gabi nang maaresto sina alyas “Talangka” at alyas “Balong” sa No. 7268 J. Victor St. Brgy. Pio Del Pilar, Makati City ng mga operatiba ng SDEU-Makati CPS, Sub Station 3 at ng Intelligence Section.
Narekober sa nasabing operasyon ang tatlong self-sealing transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong marijuana na tumitimbang ng 57 gramo na may Standard Drug Price na Php6,840; isang knot-tied at isang heat-sealed transparent plastic na naglalaman naman ng umano’y shabu na 50.8 gramo at nagkakahalaga ng Php345,440; isang black belt bag at Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Bunga ng matagumpay na operasyon na ito ang mas pinaigting na pagpapatrolya at pakikipagtulungan ng pulisya sa komunidad at ibang ahensya ng gobyerno.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos