Matapos ang mahigit na 4-taon, tuluyan nang nahuli ang Top 20 Most Wanted Person ng National Capital Region (NCR) noong Disyembre 5, 2021 sa Barangay 3, San Mateo, Isabela.
Nahaharap sa kasong Rape (2 counts) ang suspek na si Gary Flores, 46 anyos, isang construction worker at residente ng Barangay 73, PNR Compound, Caloocan City.
Batay sa report ng pulisya, nangyari ang insidente ng panggagahasa noong Abril 9, 2017 sa Caloocan City, Metro Manila nang pwersahang makipagtalik ang suspek sa isang 13-anyos na biktima.
Naging matagumpay ang pagdakip kay Flores dahil na rin sa masigasig at maigting na operasyon ng San Mateo Police Station, Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), Southern Metro Manila District Field Unit, Regional Intelligence Unit 2, Regional Intelligence Unit-NCR, at ng District Intelligence Division-Quezon City Police District.
Ang suspek ay nasa kustodiya ng CIDG-NCR na nahaharap sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code.
Source: PRO2 RPIO
#####
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche
Galing at sipag ng mga Kapulisan..
Good job PNP, Mabuhay.