Quezon City – Arestado ang isang National Most Wanted Person sa kasong Murder na nagtatago ng 19 taon sa batas sa ikinasang operasyon ng Calamba City Police Station bandang 8:45 ng gabi sa Brgy. Sacred Heart, Brgy. Kamuning, Quezon City nito lamang Huwebes, Enero 19, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Roger”, 45, residente ng Brgy. Kamias, Quezon City na naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder.
Ang tagumpay ng Calamba PNP sa pagkaaresto ng suspek ay nagpapatunay lamang na walang makakatakas at makakatago sa batas.
Panulat ni PEMS Joe Peter V Cabugon/RPCADU 4A