Isang menor de edad ang nahuli na kasama ang mismong target sa isinagawang joint Anti-Illegal Drugs Operation sa pamamagitan ng buy-bust, ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit Tagum City Police Station (CPS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Ruth B Dizon, Chief of Police kasama ang mga tauhan ng Davao Norte Police Provincial Office-Police Provincial Drug Enforcement Unit (DNPPO-PPDEU) sa pangunguna ni PMaj Warren D Dilem sa Purok Busilak, Brgy. West, Tagum City noong pasado alas 11 ng gabi, Disyembre 7, 2021.
Naaresto ang target na si Daryl Kit Segundo Icasiano alyas “Daryl”, 36 taong-gulang, walang trabaho na residente ng Purok Busilak, Brgy. West, Tagum City at ang kasabwat nitong 17 taong-gulang na residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. West, Tagum City.
Ito ay matapos makabili kay alyas “Daryl” ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang nagpanggap na poseur-buyer na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek at pagkakakumpiska sa dalawang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 7 gramo sa kabuuan na may Dangerous Drugs Board (DBB) value na Php47,600 at cash na Php48,100.
Ang suspek na si alyas “Daryl” ay nasa kustodiya ngayon ng Tagum CPS para sa kaukulang kaso habang ang mga nakumpiskang ebidensya naman ay isasailalim sa quantitative at qualitative examination ng Davao Norte Provincial Forensic Unit 11. Gayundin ang naarestong menor de edad na agad na dinala sa Women and Children Protection Desk (WCPD) Section ng istasyon para sa tamang disposisyon alinsunod sa Republic Act No. 9344.
######
Panulat ni Police Corporal Mary Metche Moraera
Tatak PNP
Magilas tlga ang mga pulis