Police Regional Office 12 – Matagumpay ang pangalawang araw ng pagbisita ni CPNP PGen Rodolfo S Azurin Jr. kasama ang kanyang maybahay na si Mrs. Mary Grace L. Azurin sa Police Regional Office 12, noong Miyerkules, Enero 18, 2022.
Kung saan pinangunahan ni Mrs. Azurin, ang KASIMBAYANAN Medical and Dental Community Outreach Program na naganap sa Badjao Village, Brgy. Bawing, General Santos City.
Kasunod nito ay pinangunahan naman nina PGen Azurin Jr., at Police Brigadier General Jimili L Macaraeg, Regional Director ng PRO 12 ang pormal na seremonya para sa Command Visit ni CPNP, kung saan dinaluhan ito ng ilang matataas na opisyal ng PRO 12, PDEA 12, BJMP, AFP at iba pang mga ahensya ng gobyerno mula sa Rehiyong 12.
Isa sa mga mahalagang bahagi ng programa ay ang pagpaparangal sa mga katangi-tanging gawa ng mga kapulisan ng PRO 12, Blessing and Inauguration ng mga bagong kagamitan, Launching of Project H.O.R.S.E (Hinterland Operation Response for Services and Emergencies). Kung saan, ang apat na kabayo rito ay pinangalanang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran hango sa kanyang programang MKK=K.
Sa mensahe ni PGen Azurin Jr, kanyang binigyang diin ang patungkol sa Internal Cleansing ng PNP na naglalayong mapanatili ang moral ascendancy at magandang imahe ng PNP sa lipunan.
Dagdag pa nito na ang ilegal na droga ay walang puwang sa hanay ng kapulisan. Kaya’t sanay walang masasangkot na miyembro ng PNP sa illegal drug trade sa bansa na magdudulot ng kawalan ng integridad ng organisasyon.
Nagkaroon din ng presentasyon ng 228 na iba’t ibang uri ng baril at Uprooted Marjiuana ang PRO 12 sa pagbisita ni PNP Chief Azurin Jr.
Sa nabanggit na mga baril, 76 rito ay confiscated na resulta ng mga police operations; 77 bilang surrendered; 42 rito ay deposited; habang 33 naman rito ay forfeited firearms.
Samantala, ang prinisintang Uprooted Marijuana ay representasyon ng mga sinunog at sinira ng PDEA 12 at PRO 12 noong ika-16 ng Enero 2023. Kung saan 21,000 piraso ng fully grown marijuana na may tinatayang halaga na Php4,200,000 at humigit kumulang 3 hektarya ng lupa sa Brgy. Tablu, Tampakan, South Cotabato.
Nakipagdayalogo rin si PNP Chief sa apat na dating rebelde mula sa grupo ng Daulah Islamiyah Maguid SOCCSKSARGEN Khatiba.
Kanya namang pinahayag ang kanyang pasasalamat sa mga former rebels na nagbalik-loob sa pamahalaan at nangakong tutugunan ang kanilang mga hinaing upang maipaabot sa ahensya ng gobyerno tungo sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran.
Panulat ni PCpl Fernan Palabrica