Eastern Samar – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga miyembro ng Borongan City Police Station sa baybayin ng Brgy. Can-abong, Borongan City, Eastern Samar nitong ika-17 ng Enero 2023.
Naging maayos ang pagsasagawa ng naturang aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Dexter Astacaan, Acting Chief-of-Police kasama ang mga Police Trainees ng Batch 2021-02 “MASANDIGAN” na sumasailalim sa Field Training Program (FTX/OJT) sa Borongan CPS.
Nakiisa din sa aktibidad ang CENRO, KKDAT Advocacy Support Groups at faith-based volunteers sa pangunguna ni Life Coach Alain Sabete.
Ang Pagtatanim ng mga puno ay bahagi ng PNP Campaign on Environmental Conservation and Protection Activity at ito ay naglalayong maprotektahan at mapanatili ang kagandahan ng ating kalikasan at binabawasan ang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima.
Ito rin ay alinsunod sa PNP Peace and Security Framework ng ating CPNP na “Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” (M+K+K=K), at isa sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.