Quezon – Tuloy tuloy ang pagsasagawa ng Oplan Sita ng General Nakar PNP sa kahabaan ng Brgy. Anoling, General Nakar, Quezon nito lamang ika 11:12 ng umaga ng Miyerkules, Enero 18, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Jo Alvarez, Acting Chief of Police ng General Nakar Municipal Police Station.
Nagsagawa ng pag-inspeksyon sa mga driver’s license ng mga motorista at pinayuhan ang mga ito na sumunod sa minimum safety at health protocols upang maiwasan ang pagtaas ng aktibong kaso ng COVID-19.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan at mas paigtingin ang seguridad upang maiwasan ang anumang krimen at terorismo sa kanilang nasasakupan.
Source: General Nakar Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz