Taguig City — Arestado ang isang lalaking akyat-bahay sa isinagawang follow-up operation ng Taguig City Police Station nito lamang Miyerkules, Enero 18, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Robert R Baesa, Chief of Police ng Taguig CPS, ang suspek na si Dave Tarseta, 19 taong gulang.
Ayon kay PCol Baesa, bandang 11:50 ng umaga nang maaresto ang suspek sa 18 EP Housing Phase 2, Brgy. Pinagsama, Taguig City ng mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Taguig CPS.
Ayon pa sa ulat ng biktima, na kinilalang si alyas “Christian,” 32, at isang IT Specialist, pagdating nito sa kanyang bahay, natuklasan niyang sapilitang binuksan ang kanyang main door at pagpasok niya sa bahay ay nakita niyang nagkalat ang kanyang mga personal na gamit. Sa kanyang pagsusuri ay nadiskubre niyang nawawala ang ilan sa mga ito kabilang na ang kanyang ibang gadgets.
Nang e-report nya sa pulisya ang pangyayari ay agad na isinagawa ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkarekober ng mga ninakaw.
Narekober ang isang iPad 3rd Gen. na nagkakahalaga ng Php32,115; Laptop Acer na Php25,000; tatlong iPhone 6 na nagkakahalaga ng Php7,500 bawat isa; iPhone SE na nagkakahalaga ng Php33,740; Samsung na nagkakahalaga ng Php10,000; SJ Cam na nagkakahalaga ng Php15,500; FUJIFILM Camera na nagkakahalaga ng Php20,000; FUJIFILM Charger na nagkakahalaga Php3,000; alahas na nagkakahalaga ng Php30,000; External hard drive na nagkakahalaga ng Php1,000; pares ng Jordan 1 na sapatos na nagkakahalaga ng Php12,000; ACER laptop charger na nagkakahalaga ng Php3,000; 4TECH Computer Mouse na nagkakahalaga ng Php250; Lenovo Computer Mouse na nagkakahalaga ng Php250; Dumbbell na nagkakahalaga ng Php8,000; at Protein Powder Drink na nagkakahalaga ng Php3,100.
Ang mga nabawing kagamitan ay may kabuuang halaga na Php196,455.
Mahaharap ang suspek sa kasong Robbery sa ilalim ng Article 293 ng RPC.
Tiniyak naman ng PNP na lalong paiigtingin ang police visibility sa lansangan upang mabilis na mahuli ang mga indibidwal na gumagawa ng labag sa batas nang sa gayo’y di na sila makapang-biktima ng mga inosenteng mamamayan sa komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos