Baler, Aurora – Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang isang dating miyembro ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka sa Camp Ravina, Baler, Aurora nito lamang Lunes, Enero 16, 2023.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Eulogio Lamqui III, Force Commander ng First Provincial Mobile Force Company katuwang ang National Intelligence Coordinating Agency 3, Philippine Army at Aurora PNP.
Kinilala ni PLtCol Lamqui III ang sumuko na si alyas “Toek”, dating miyembro ng Sangay ng Partido sa Barrio ng Pambansang Katipunan ng Magsasaka.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay ang pag turn-over ng isang 38 caliber revolver, dalawang bala at dalawang rifle grenade.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa paghihikayat sa mga mamamayan na magkaisa at iwaksi ang karahasang dulot ng terorismo sa bansa.