Caloocan City – Nakatanggap ng food packs mula sa Caloocan City PNP ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Caloocan City Police Station, Sangandaan, Caloocan City nito lamang ganap na 5:30 ng hapon ng Lunes, Enero 16, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ruben Lacuesta, Chief of Police, Caloocan City Police Station at Police Lieutenant Colonel Enrique Torres Acting Chief of Police for Operations at sa koordinasyon ng Caritas Caloocan Restorative Justice Ministry sa pangunguna naman ni Brother Harold Foller at Sister Grace Foller.
Namigay ang naturang grupo ng food packs sa tinatayang 70 na PDLs.
Ang aktibidad ay kaugnay sa CPNP’s peace and security framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran), sa ilalim ng Programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan).
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz