Oroquieta City – Nakiisa sa Eucharistic Mass kaugnay sa 29th Ethics Day Celebration ang Misamis Occidental PNP sa St. Therese Chapel, Camp Major Lucas Naranjo, Lower Lamac, Oroquieta City nito lamang Enero 16, 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Marlon Quimno, Officer-In-Charge ng Misamis Occidental Police Provincial Office.
Ang naturang eucharistic mass ay pinangunahan ni Father Alcher Boquia, Assistant Parish Church, Oroquieta City at dinaluhan ng mga tauhan ng Misamis Occidental PNP.
Ang Pambansang Pulisya ay kaisa sa pagpapanatili ng malakas na pananampalataya sa Diyos at kaugnay sa isa sa core values ng PNP na Maka-Diyos.
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz