Davao City – Tinatayang aabot sa Php111,680 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang checkpoint ng PNP sa Licanan, Lasang, Davao City, noong Enero 17, 2023.
Kinilala ni Police Major Robel Saavedra, Acting Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Arnel”, 25, residente ng Bungkaon, Lantapan, Bukidnon na napag-alam na tinaguriang Top 5 Drug Personality sa City level.
Ayon kay PMaj Saavedra, naaresto ang suspek matapos maharang sa isang checkpoint na isinasagawa ng pinagsamang tauhan ng Bunawan PS katuwang ang Task Force Davao.
Dagdag pa ni PMaj Saavedra, nakuha mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 6.98 gramo na may street market value na Php111,680.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip sa suspek ay malaking tulong upang makamit ng Police Regional Office 11 ang kanilang layunin para sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara