Sulu – Matagumpay ang paghahain ng Warrant of Arrest sa isang wanted person habang naaresto din ang dalawang personalidad para sa kasong R.A 10591 sa Brgy. Bato-Bato, Indanan, Sulu noong Enero 16, 2023.
Kinilala ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police, Indanan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Sabtali” na wanted person para sa kasong murder at frustrated murder.
Kinilala rin ang mga naarestong suspek para sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” na sina alyas “Saldy” at alyas “Bakong”.
Nagresulta sa matagumpay na operasyon ang paghahain ng Warrant of Arrest dahil sa pagsisikap ng mga operatiba ng Indanan MPS at 1st Provincial Mobile Force Company, Sulu Provincial Police Office.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek para sa kasong RA 10591 ang isang M16 rifle, isang M1 Garand rifle isang long magazine, tatlong short magazine, 74 na bala, anim na sako ng ammonium nitrate, 4 na transparent plastic sachet na naglalaman ng ammonium nitrate, tatlong bote ng tanduay at isang bote ng sprite.
Pansamantalang dinala ang mga naarestong suspek sa Indanan MPS para sa dokumentasyon, at ihahanda na ang karampatang kaso para sa mga ito.
Ang PNP PRO BAR ay patuloy sa mandato na hulihin ang mga taong sangkot sa ilegal na gawain para makamit ang kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia