Benguet – Tinatayang Php128,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Benguet PNP sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Bowa, Brgy. Poblacion, Kibungan, Benguet nito lamang ika-16 ng Enero 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, ang operasyon ay pinangunahan ng Benguet Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit, Kibungan Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera.
Ayon pa kay PCol Olsim, ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng dalawang plantation sites na may nakatanim na 640 piraso ng fully grown marijuana plants sa mahigit kumulang 100 sqms at tinatayang may Standard Drug Price na Php128,000.
Dagdag pa ni PCol Olsim, ang nasabing marijuana plants ay nakatanim sa isang public land na itinuturing na communal forest kung saan agad itong binunot at sinunog ng mga awtoridad.
Samantala, patuloy naman ang pagpapaigting ng Benguet PNP sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga upang mapuksa at mahuli ang mga taong may kagagawan at may sala.
Source: Kibungan Municipal Police Station