Quinapondan, Eastern Samar (December 2, 2021) – Sumuko ang isang (1) miyembro ng teroristang kumunista sa mga kapulisan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar noong ika-2 ng Disyembre 2021.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Ka Ariane/Bogart”, walang asawa, 23 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Taft, Eastern Samar na nag-ooperate sa mga bundok ng Lawaan hanggang Borongan City at sa kalapit na mga lugar ng lungsod ng Eastern Samar.
Pagkatapos ng sunod-sunod na negosasyon at pagsusumikap ng mga tauhan ng 2nd Eastern Samar PMFC sa pangunguna ni PLtCol Rolando Dellezo kasama ang tauhan ng PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol Matthe Aseo, Provincial Director ng Eastern Samar Police Provincial Office (ESPPO), sa aktibong suporta ni PBGen Rommel Bernardo Cabagnot, Regional Director ng PRO8, ay nahanap at nakumbinse na sumuko si Ka Ariane/Bogart.
Si “Ka Ariane/Bogart” ay isang regular member ng squad 2 sa pamumuno ni @Barok, Platoon CO ng Apoy Platoon FC SE SRC SESAME sa ilalim ng pamumuno ni “Ka Mael/Suyo”.
Isinuko nya ang isang (1) caliber 45 pistol 1911- A1 (Springfield Armory), na may serial number 673125, isang (1) magazine assembly na may limang (5) Cal .45 live ammunitions at isang (1) riffle grenade.
“Ang hiling natin ay ang makamit ang kapayapaan at pag-unlad ng bawat Pilipino. Gusto natin na lumakad na nagkakaisang bansa sa ating paglalakbay patungo sa kapayapaan at kasaganaan.” saad ni PLtCol Dellezo.
Ang nasabing rebelde ay nasa ilalim na ng kustodiya ng nasabing kompanya at sumailalim din sa medical examination, booking procedure at pagkuha ng mug shot.
Ang 2nd ESPMFC ay kasalukuyang nasa proseso na ng validation, verification at approval ng JAPIC certificate para sa entitlement of appropriate benefits.
Source: Eastern Samar PMFC
####
Panulat ni: Police Senior Master Sergeant Reynaldo D Pangatungan
Sana all sumuko na
Para sa kapayapaan ng bansa
ASTIG writer na