Cagayan de Oro City – Nasakote ang tatlong suspek matapos mahulihan ng Php816,000 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Cagayan de Oro Police Station 8 sa Saarenas St. Westbound Terminal, Brgy. Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang Biyernes, Enero 13, 2023.
Kinilala ni Police Major Aldren Baculio, Officer-In-Charge ng Cagayan de Oro Police Station 8, ang mga suspek na sina alyas “Lesther”, 29, residente ng Purok 6, Dominorog, Talakag, Bukidnon; alyas “Jobert”, 47, residente ng Upper Torre, Enayawan, Cebu City; at alyas “April” 31, residente ng Don Carlos, Bukidnon.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 120 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php816,000, isang 45 pistol na may limang bala, isang steel magazine na may kargang apat na bala, isang leather holster, isang brilliant green Nissan Navarra na may Plate No. 8714, isang dark gray Toyota Fortuner na may Plate No. LAF 2548, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money, at assorted drug paraphernalia.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Tinitiyak ng buong hanay ng Police Regional Office 10 na pinamumunuan ni Police Brigadier General Lawrence Coop na patuloy sa kampanya kontra ilegal na droga tungo sa isang mapayapa, tahimik at maunlad na komunidad.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10