Taguig City — Matagumpay na naisagawa ang Ground Breaking Ceremony of Pump-Well (POSO) sa programang “Handog ni Datu” ng Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO sa Purok 10 Brgy. Tipaz, Taguig City nito lamang Huwebes, Enero 12, 2022.
Ang aktibidad ay personal na pinangunahan ni Police Colonel Jonathan Calixto, Force Commander ng RMFB kasama si Dr. Morena “Mong” S. Canizares, BAC Chairperson RMFB, NCRPO bilang Guest of Honor and Speaker na siya ring nagbigay ng pondo para sa nasabing proyekto.
Nilahukan din ito ni Atty. Vic Rosales, President Elect PCMP; Police Major Edgardo S Tigbao, Chief, BCAS; at Police Major Ronillo Aquino, 6TH MFC Company Commander kasama ang Eagles Force Multipliers.
Kasabay nito, nagkaroon din ng Feeding Program sa mga residente ng nasabing barangay at naghandog ng wheelchair sa benepisyaryong si Rian Dalugdugan na labis na nagpasalamat sa PNP.
Kasangga ng PNP ang mga stakeholders sa pagtulong sa mamamayan at mapanatili ang ugnayan ng pulisya at komunidad para sa mas tahimik, ligtas at maunlad na bansa.
Source: RMFB PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos