Eastern Samar – Nakiisa sa relief operation ang mga kapulisan ng San Julian Municipal Police Station sa mga lubhang naapektuhan ng pagbaha sa Brgy. San Miguel at Brgy. Bunakan, San Julian, Eastern Samar nito lamang Huwebes, ika-12 ng Enero 2023.
Ang operasyon ay isinagawa ng Local Government Unit ng San Julian, sa pamumuno ng Local Chief Executive na si Hon. Mayor Dennis P Estaron katuwang ang Alert Team ng San Julian Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Rey Operario, MCAD PNCO, sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Captain Arvin Noroña, Officer-In-Charge.
Tinatayang nasa mahigit 100 na pamilya ang nabigyan ng relief goods na naglalaman ng bigas, delata at iba pang pangunahing pangangailangan.
Ang Brgy. San Miguel at Brgy. Bunakan ay ilan lamang sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa mga nagdaang araw.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan ay palaging maaasahan at nakahandang maghatid ng serbisyo para sa mabilis at maayos na pagtugon sa mga pangangailangan.