Natuklasan ng magkasanib na mga operatiba ng Alpha Coy 50 Infantry Battalion 5th, Infantry Division; Philippine Army (PA) at mga kapulisan ng Kalinga ang isang imbakan ng kagamitang pangmedical ng mga Teroristang Grupo sa Sitio Ligayan, Balantoy, Balbalan, Kalinga noong Nobyembre 28, 2021.
Alinsunod dito, isang residente ng Poswoy, Balbalan, Kalinga ang nagbigay ng impormasyon sa mga alagad ng batas na may nakitang Improvised Explosive Device (IED) sa isang lumang kampo na matatagpuan sa nasabing lugar.
Agad na inaksyunan ng mga operatiba ng PA at PNP ang nasabing impormasyon at nagsagawa ng joint security and combat operation na nagresulta sa pagbawi ng apat (4) na Anti-Tank Mine, tatlong (3) RG, tatlong (3) sets of anesthesia, anim (6) na pirasong syringes, tatlong (3) bandages, apat (4) na IntraVenous fluids, isang (1) dextrose hose, dalawang (2) tent, subersibong dokumento, isang (1) set surgical kit (gunting).
Ang kooperasyon mula sa ating kababayan ay isang patunay na ang mga pamayanan ay hindi sinusuportahan ang ideolohiya ng komunistang terorista. Dulot nito ay mapayapa at protektadong pamayanan.
####
Panulat ni: Police Corporal Melody L Pineda