Ilocos Norte – Arestado ng Vintar PNP ang Top 5 Most Wanted Person sa Probinsya ng Ilocos Norte sa kasong Murder nito lamang ika-12 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Major Reginaldo Dalipias, Hepe ng Vintar Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Vincent”, 56, residente ng Brgy 26 Canaam, Vintar, Ilocos Norte.
Ayon kay PMaj Dalipias, bandang 12:10 ng hapon nang naaresto ang suspek sa Brgy. Brgy 26 Canaam, Vintar, Ilocos Norte ng mga operatiba ng Vintar Municipal Police Station katuwang ang Provincial Special Enforcement Team-INPPO, Provincial Intelligence Unit, 101st Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 1,144 Special Action Company/14 Special Action Battalion.
Dagdag pa ni PMaj Dalipias, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Naging matagumpay ang operasyon ng PNP dahil sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa pagpapaigting ng kampanya laban sa mga taong may pananagutan sa batas para sa tahimik at ligtas na pamayanan.
Source: Vintar MPS
Panulat ni PSSg Carmela G Danguecan