Quezon City — Humandusay ang isang tinaguriang Top 4 Drug Personality na miyembro ng isang notoryus na Criminal Group sa Quezon City makaraang mauwi sa enkwentro ang operasyon ng Galas Police Station 11, nito lamang Miyerkules, Enero 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Richard Ang, Station Commander ng PS-11, ang suspek na si alyas “Cedie/Poknat”.
Ayon kay PLtCol Ang, gabi ng Miyerkules nang isagawa ang operasyon ng mga operatiba ng QCPD Galas PS-11 sa kahabaan ng 14th St. Santa Cecilia Brgy. Damayan Lagi, Quezon City kung saan pakay na arestuhin ang suspek subalit nauwi ito sa enkwentro na ikinasawi ng suspek.
Ayon pa kay PLtCol Ang, sangkot aniya ang suspek sa kriminalidad at droga sa nasasakupan ng Galas at kalapit na lugar sa QC.
Narekober sa suspek ang buy-bust money, hinihinalang shabu, at isang caliber revolver na ginamit niya laban sa mga rumesponde.
Samantala, patuloy ang follow-up manhunt operation ng QCPD GALAS PS11 upang masakote pa ang nakatakas na kasama ni alyas Poknat lulan ng isang motorsiklo.
Pakiusap ng kapulisan ng Galas PS-11 sa mga sangkot sa ilegal na aktibidad partikular na sa droga na tumigil na at makiisa sa magandang programa ng Pamahalaan at PNP tulad ng BIDA program ng DILG o Buhay Ingatan, Droga ay Ayawan. Patuloy rin ang pagpapalakas ng ugnayan ng PNP sa mga Barangay at iba pang sektor sa komunidad bilang bahagi ng KASIMBAYANAN at MKK=K.
Source: Police- Big Brother
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos