La Union – Matagumpay na isinagawa sa Police Regional Office 1 ang Simultaneous Oath-Taking, Pinning at Donning of Ranks ng 2,063 PNP personnel mula sa Police Regional Office 1 at Regional Support Units sa pangunguna ng Regional Director na si Police Brigadier General John C Chua nitong ika-10 ng Enero, 2023.
Ang 2,063 promoted PNP personnel ay binubuo ng 1,897 mula sa Police Regional Office 1 at 166 mula sa Regional Support Units kung saan mayroong 250 Police Commissioned Officers at 1,813 Police Non-Commissioned Officers.
Ang aktibidad ay dinaluhan din ng PRO1 Command Group, Regional Staff, Chiefs ng Regional Support Units, at mga mahal sa buhay ng mga napromote na kapulisan.
Ayon kay PBGen Chua, ang tagumpay sa pagtaas ng ranggo bilang isang pulis ay bunga ng lahat ng pagsisikap sa trabaho at dapat ialay sa mga mahal sa buhay. Kanya ding hinikayat ang mga kapulisan na tuwing mapopromote ay isama ang pamilya sa oath taking upang kanilang makita ang tagumpay ng isang pulis.
Ayon pa kay PBGen Chua, ang pagtaas ng ranggo ay may kaakibat na bagong responsibilidad at dapat mahalin ang trabaho sapagkat ito ang kanilang bread and butter.
Ang pagtanggap ng mga kapulisan ng promotion ay isang dahilan na nagpapataas ng kanilang morale upang mas lalo nilang pagbutihin ang kanilang pagseserbisyo sa ating bayan.
Source: Police Regional Office 1
Panulat ni PMSg Vanessa Natividad/RPCADU1