Eastern Samar – Masayang tinanggap ng isang dating rebelde ang simpleng tulong mula sa mga tauhan ng 2nd Eastern Samar Provincial Mobile Force Company na iginawad nito lamang Enero 9, 2023 sa 2nd ESPMFC Headquarters, Camp Capt Felixberto B Omo, Brgy. Buenavista, Quinapondan, Eastern Samar.
Ang mga tauhan ng 2nd Eastern Samar PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rolando Dellezo, Acting Force Commander ay nagpaabot ng tulong gaya ng bigas at iba’t ibang grocery items kay alyas “Ka Sixto”.
Ayon kay PLtCol Dellezo, sa ganitong pamamaraan ipinapakita ng PNP ang pagpapahalaga sa mga kapatid nating nagbalik-loob sa ating gobyerno upang magkaroon ng bagong buhay.
Mensahe ni PLtCol Dellezo, “Upang wakasan ang walang saysay na armadong pakikibaka, hayaang magkapit-bisig, magtulungan at pagsama-samahin ang ating mga pagsisikap na makamit ang kapayapaan na ating inaasam”.