Taguig City — Timbog ang isang babaeng suspek at nasabat sa kanya ang tinatayang Php100,640 na halaga ng shabu sa isinagawang Oplan Galugad ng Taguig City Police Station nito lamang Martes, Enero 10, 2022.
Kinilala ni PBGen Kirby John B Kraft, District Director ng SPD ang suspek na si alyas “Jelie”, 45 taong gulang.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 5:10 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa kahabaan ng Road 2, Barangay North Daang Hari, Taguig City ng mga tauhan ng Sub-Station 8 ng Taguig CPS sa pamamagitan ng Oplan Galugad na kaugnay ng One Time Big Time (OTBT).
Narekober kay Omar ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 14.8 gramo at may Standard Drug Price na Php100,640.
Reklamong paglabag sa Section 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 naman ang kahaharapin ng suspek.
Patuloy namang susugpuin ng PNP ang mga kaganapan at nasa likod ng kalakaran ng ilegal na droga upang mapanatiling maayos ang seguridad ng bansa at ng sambayanang Pilipino.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos