Cagayan de Oro City – Arestado ang isang lalaki sa kasong Carnapping sa Mambato St, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-10 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Aaron Mandia, City Director ng Cagayan de Oro City Police Office, ang nasakoteng suspek na si alyas “Rico”, 25, residente ng Cluster Manga Gusa, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PCol Mandia bandang 5:19 ng hapon nang naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Office sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa kampanya kontra kriminalidad at patuloy sa hangarin na ilagay ang mga wanted persons sa likod ng rehas.
Panulat ni Patrolman Johmel Tan/RPCADU 10