General Santos City – Walang takas ang dalawang High Value Individual (HVI) sa GenSan PNP matapos mahulihan ang mga ito ng Php408,000 na halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Asai Village Barangay Bula, General Santos City nito lamang ika-8 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Major Paulino Asirit Jr., Chief ng Regional Philippine Drug Enforcement Unit, PRO 12, ang dalawang HVI na sina alias “Aldrin”, 43 at si alias “Bobby”, 25, at pawang residente ng Brgy. Dadiangas, North General Santos City.
Ayon kay PMaj Asirit Jr. bandang alas 3:45 ng hapon ng naaresto ang dalawang indibidwal ng mga pinagsanib pwersa ng PDEG, SOU 12 (leading Unit) RPDEU, PRO12 at iba pang mga operatiba ng General Santos City Police Office at Police Regional Office 12.
Nakumpiska sa naturang operasyon ang humigit kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated National Standard Drug Price (NSDP) na Php408,000 at ang ginamit na boodle money at dalawang Php1,000 bill bilang buy-bust money.
Sa ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga drug suspect.
Alinsunod sa programa ng PNP na MKK=K at KASIMBAYANAN Program, tinitiyak ng kapulisan ng PRO 12 na pinamumunuan ni PBGen Jimili L Macaraeg, Regional Director, na patuloy itong papaigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga para mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng Rehiyong Dose.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin