Taguig City — Tinatayang nasa Php340,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang High Value Individual kasama ang tatlo pang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District nito lamang Lunes, Enero 10, 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “Kekek”, 32, HVI-Pusher/ Drug Den Maintainer; alyas “Kino”, 32, HVI-Pusher/User; alyas “Faiza”, 27; alyas “Omar”, 26, at alyas “Junaid”, 28.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 1:30 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng Bangbang ni Felix, Brgy. Calzada, Taguig City ng mga tauhan ng DDEU kasama ang DID, DSOU, DMFB-SPD at Taguig CPS.
Nasabat ng mga operatiba ang siyam na heat-sealed transparent plastic sachet na hinihinalang shabu na humigit-kumulang 50.9 gramo ang bigat at may Standard Drug Price na Php340,000, at Php500 na ginamit bilang buy-bust money.
Reklamong paglabag sa Sections 5, 6 at 13, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 naman ang kahaharapin ng mga suspek.
Ang pagkakaaresto sa mga sangkot sa bentahan ng talamak na droga ay isa lamang sa masigasig na pagtupad sa tungkulin ng PNP upang tuluyang makamit ang mapayapa, ligtas, at maunlad na komunidad.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos