Camp Crame – Nito nga lamang martes ay matagumpay na isinagawa ang Simultaneous oath-taking, donning, at pinning ng mga promoted police officers sa National Headquarters, Camp Rafael T Crame, Quezon City.
Ang aktibidad ay pinasinayaan ni PNP Chief, Police General Rodolfo S Azurin, Jr., katuwang ang PNP Command Group na malugod na dinaluhan ng mga pamilya ng bawat promotees.
Ipinaabot naman ng Hepe ng Pambansang Pulisya ang kanyang pagbati sa lahat ng promotees sa buong hanay ng pulisya at pinaalalahanan ang mga ito na mas pagbutihin at pagsumikapan pa ng bawat isa na patuloy na makapagbigay ng serbisyong may malasakit sa ating mamamayan.
“Your promotion today defines success and it is anchored with huge opportunity and motivation to further impart your ideals, wisdom, and vision, so as you move up to the career ladder it is important to remember that with greater authority comes greater accountability,” ani Chief, PNP.