Nagsagawa ng clean-up drive ang Santiago PNP sa Brgy. Poblacion Norte, Santiago, Ilocos Sur nito lamang Sabado, ika-7 ng Enero, 2023.
Sa pamumuno ni Police Major Jairilyn Camangian, Officer-in-Charge ng Santiago PNP, ang aktibidad ay matagumpay na naisagawa habang aktibo namang nakilahok ang Women Advocacy Groups at KKDAT members Santiago Chapter.
Karton-karton na mga plastic at tuyong dahon ang naibasura ng Santiago PNP katuwang ang Advocacy Support Groups at mga kabataan na tumulong.
Hinihikayat ng Santiago PNP at Advocacy Support Groups ang mamamayan na itapon sa tamang basurahan ang mga basura upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran.
Samantala, patuloy naman ang Santiago PNP sa pagsasagawa ng mga aktibidad kung saan patuloy na mapapangalagaan ang kapaligiran at kalikasan.
Source: Santiago Municipal Police Station
Panulat ni Pat Viljon Anthony A. Comilang