Pasay City — Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang lalaki na tinaguriang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District nito lamang Sabado, ika-7 ng Enero 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, ang suspek na si alyas “Boy”, 38 anyos.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang alas-7:00 ng gabi ay naaresto si alyas “Boy” sa kahabaan ng Amazing Show, Barangay 76 Zone 10, Pasay City sa pinagsanib-puwersa ng SPD-DDEU, DID, DSOU, DMFB at Pasay City Police Station Sub-Station 1 ng SPD.
Nasamsam ng mga awtoridad mula sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 50 gramo at nagkakahalaga ng Php340,000.
Narekober din sa kanya ang isang buhol na transparent plastic sachet na naglalaman naman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may mga fruiting tops na may street value na Php4,920, isang Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money, 20 pirasong Php1,000 na boodle money, isang green Yamaha Mio Soul at isang brown envelope.
Paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.
Patuloy na magpupursigi ang kapulisan ng Southern Metro na tugisin ang mga taong sangkot sa mga bentahan ng ilegal na droga para sa katahimikan at kaayusan ng bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos