Benguet – Lumagda sa courtesy resignation ang mga matataas na opisyal ng Police Regional Office Cordillera sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Enero 6, 2023.
Sa pangunguna ni Police Brigadier General Mafelino Bazar, Regional Director ng PROCOR, na binubuo ng 2 Police Brigadier Generals at 16 Police Colonel ay kanilang napagkasunduan na magsumite ng courtesy resignation kay Pres. Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay bilang suporta sa hamon ni DILG Sec. Atty. Benjamin C. Abalos, sa lahat ng full-pledge Colonels at Generals kamakailan at pagsuporta sa Internal Cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Ang mga miyembro ng PROCOR kaisa sa pagpapanatili ng mataas na moral at integridad ng Pambansang Pulisya para sa maayos at payapang serbisyo publiko.
Source: Police Regional Office Cordillera