Ifugao – Nagsagawa ng pamaskong handog ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 1501st Maneuver Company sa isang 3 taong gulang na bata sa Binhang, Banhal, Mayoyao, Ifugao nito lamang ika-4 na araw ng Enero 2023.
Kinilala ang bata na si Baby Merielle Dheyn Maica, na lumalaban sa sakit na cerebral palsy at residente ng nasabing lugar.
Ang nasabing benepisyaryo ay nakatanggap ng grocery items, pedzinc, EQ diaper, pediasure milk at financial assistance na nagkakahalaga ng Php5,000 na tinanggap ng kanyang ina na si Ginang Denalyn Ayahao.
Katuwang sa matagumpay na pamamahagi ng tulong ay si Governor Jerry Dalipog, Mayoyao Municipal Police Station at si Ginang Regielyn Paemban.
Labis naman ang pasasalamat ng piling benepisyaryo sa mga natanggap na biyaya mula sa mga nasabing personalidad.
Patunay lamang ito na ang Pambansang Pulisya at Lokal na Pamahalaan at iba pang mga boluntaryong personalidad ay handang magkaisa at magtulungan para sa mga nangangailangan sa kanilang nasasakupan.