Pasay City — Timbog ang apat na drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District na nagresulta sa pagkakasamsam ng iba’t ibang uri ng droga nito lamang Miyerkules, Enero 4, 2023.
Kinilala ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD, ang mga suspek na sina alyas “Jun/Jacky”, 26; alyas “Lorenzo”, 26; alyas “Alyssa”, 23; at alyas “Joebert”, 27.
Ayon kay PBGen Kraft, bandang 3:00 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Amazing Show, Barangay 76 Zone 10, Pasay City ng mga operatiba ng SPD Drug Enforcement Unit, DID, DSOU, DMFB at Pasay City Police Station Sub-Station 1.
Nakumpiska sa kanila ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 20 gramo at may halaga na Php136,000, dalawang self-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 10 hinihinalang ecstasy capsule (MDMA) na nagkakahalaga ng Php16,800 at anim na heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinaghihinalaang high grade marijuana (kush) na tumitimbang ng humigit-kumulang sa 180.01 gramo at Php252,014 ang halaga.
Ang iba pang ebidensyang narekober ay Php500 na buy-bust money, Php10,000 boodle money, isang puting Mitsubishi Mirage na may plate number NFU 9200, isang pulang Toyota Vios na may plate number ABT 5344 at dalawang itim na sling bag.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Art II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak naman ng PNP na pananatilihing ligtas ang komunidad laban sa mga mapaminsalang ilegal na droga sa bansa.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos