Cebu City – Nagsagawa ng Security Send-Off Ceremony ang Police Regional Office 7 katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno para siguraduhin ang kapayapaan at seguridad sa darating na 458th Fiesta Señor at Sinulog Festival 2023 na ginanap sa Cebu City Sports Center nito lamang Miyerkules, Enero 04, 2023.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General Jerry Fornaleza Bearis, Regional Director ng Police Regional Office 7.
Sa panimula ng programa, isang pagdadasal at pagbasbas para sa mga personnel at mga sasakyang gagamitin ang isinagawa para sa deployment ng mga security forces.
Tinataya naman nasa mahigit 1,000 na security forces mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at iba pang ahensya ng gobyerno ang ipapadala upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan para sa Sinulog Festival 2023.