Aklan – Nakilahok ang mga tauhan ng Malay Municipal Police Station sa isinagawang Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) Training ng Malay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na ginanap sa CBTMPC Bldg., Caticlan at La Carmela de Boracay, Boracay Island, Malay, Aklan nito lamang ika-2 ng Enero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Malay MDDRMO na tinaguriang “Save a Life, Learn CPR, let’s make Malay a CPR Ready Tourist Destination” na nilahukan din ng lahat ng tourist frontliners at kanilang mga stakeholders, na kung saan ay tinuruan ang mga kalahok ng tamang proseso sa pagsagip ng mga nalunod o nawalan ng malay.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng ating kapulisan at iba pang frontliners upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kababayan at mga turista ng nasabing lugar.