Misamis Occidental – Patuloy na isinasagawa ng Police Regional Office 10 ang pamimigay ng relief goods para sa mga residente ng Brgy. Tuburan at Brgy. Tawi-Tawi, Aloran, Misamis Occidental na lubos na naapektuhan dulot ng matinding pag-ulan bunsod ng Shear Line at Northeast Monsoon nito lamang Biyernes, Disyembre 30, 2022.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10 katuwang ang alkalde ng Aloran na si Hon. Junipher Roa, Pastor Marcelino Paler Jr, Presidente ng KASIMBAYANAN sa probinsiya ng Misamis Occidental.
Aabot sa 300 na indibidwal ang nabigyan ng tulong ng buong hanay ng Police Regional Office 10 katuwang ang Local Government Unit.
Patuloy ang pagsusumikap ng buong hanay ng Northern Mindanao PNP sa pagsasagawa ng search and rescue operation, retrieval operation, clearing operation at paghahatid ng relief operation sa ating kababayan na lubos na apektado at nasalanta ng Shearline at Northeast Monsoon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10